BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, September 1, 2010

Pasasalamat Alay sa Guro

Sa bawat araw na ginawa ng Diyos
Sa pagtuturo siya'y napapaos
Sa mga estudyanteng magugulo at

Sobrang titigas ng ulo
Kung pasensya lang naman ang pag-uusapan,

Hay! naku winner siya dyan
Ewan ko lang kung nagkataon
Isipin mo ang konsimisyon buong taon
Kami po'y bilib sa inyong dedikasyon
Sa pag-aaral nami'y naging inspirasyon
Kahit tayo'y hindi magkadugo, minahal niyo
Kami ng buong puso, pagtanaw ng utang na loob
Galing sa sa pusong marubdob
Inaalay sa iyo itong simpleng tula
Nama'y lubos na paghanga,
Handang ibigay itong puso
sana'y tanggapin ng may pagsuyo
Itong munting pasasalamat
Sa gurong bayani sa lahat

0 comments: